Ezra 7

Dumating si Ezra sa Jerusalem

1Pagkalipas ng maraming taon, nang si Artaherhes ang hari ng Persia, dumating si Ezra sa Jerusalem galing sa Babilonia. Si Ezra ay anak ni Seraias na anak ni Azarias. Si Azarias ay anak ni Hilkias.

2Si Hilkias ay anak ni Salum na anak ni Sadoc. Si Sadoc ay anak ni Ahitob.

3Si Ahitob ay anak ni Amarias na anak ni Azarias. Si Azarias ay anak ni Meraiot.

4Si Meraiot ay anak ni Zeraias na anak ni Uzi. Si Uzi ay anak ni Buki.

5Si Buki ay anak ni Abisua na anak ni Finehas. Si Finehas ay anak ni Eleazar na anak ni Aaron na punong pari.

6Si Ezra ay isang tagapagturo na lubos ang kaalaman sa Kasulatan na ibinigay kay Moises ng Panginoon , ang Diyos ng Israel. Dumating siya sa Jerusalem mula sa Babilonia at ibinigay ng hari ang lahat ng hiniling niya dahil pinatnubayan siya ng Panginoon na kanyang Diyos.

7May sumáma ring mga Israelita sa kanya nang bumalik siya sa Jerusalem noong ikapitong taon ng paghahari ni Artaherhes. Kabilang sa mga sumáma ay ang mga pari, mga Levita, mga mang-aawit, mga tagapagbantay ng Templo, at mga tagapaglingkod sa Templo.

8Dumating si Ezra sa Jerusalem sa ikalimang buwan ng ikapitong taon ng paghahari ni Artaherhes.

9Umalis si Ezra sa Babilonia sa unang araw ng unang buwan. At nakarating siya sa unang araw ng ikalimang buwan sa Jerusalem sapagkat ginabayan siya ng Diyos.

10Sapagkat itinalaga niya ang sarili niya sa pag-aaral at pagtupad ng Kautusan ng Panginoon , at sa pagtuturo ng mga tuntunin at mga utos nito sa mga Israelita.

Ang Sulat ni Artaherhes kay Ezra

11Ito ang nilalaman ng sulat na ibinigay ni Haring Artaherhes kay Ezra, na pari, at tagapagturo, na lubos na nakakaalam ng mga utos at mga tuntunin na ibinigay ng Panginoon sa mga taga-Israel:

Pinuri ni Ezra ang Diyos

27Sinabi ni Ezra, “Purihin ang Panginoon , ang Diyos ng mga ninuno natin, na humipo ng puso ng hari na parangalan niya ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem.

28Dahil sa kabutihan sa akin ng Panginoon , mabuti ang pagtrato sa akin ng hari at ng mga tagapayo niya, at pati na ng lahat ng makapangyarihan niyang opisyal. At dahil nga tinutulungan ako ng Panginoon na aking Diyos, nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tipunin ang mga pinuno ng Israel upang sumáma sa akin sa Jerusalem.”

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.