Mga Bilang 33

Mga Yugto sa Paglalakbay ng mga Israelita

1Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Ehipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron.

2Ayon sa utos ng Panginoon , inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan.

3Naglakbay sila mula sa Rameses sa ika-labinlimang araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Lumabas silang may lakas ng loob, sa paningin ng mga Ehipsiyo

4na naglilibing ng kanilang mga panganay na lalaking pinatay ng Panginoon . Hinatulan din ng Panginoon ang kanilang mga diyos.

50At habang nagkakampo sila roon sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico, sinabi ng Panginoon kay Moises,

51“Sabihin mo sa mga Israelita na kung tatawid sila sa Ilog Jordan papunta sa Canaan,

52palayasin nila ang lahat ng naninirahan doon at gibain ang lahat ng diyos-diyosan nila na gawa sa mga bato at metal, at ang lahat ng kanilang sambahang nasa matataas na lugar.

53Sasakupin ninyo ang mga lupaing iyon at doon kayo titira dahil ibinibigay ko ito sa inyo.

54Partihin ninyo ang lupa sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa dami ng bawat lahi. Ang lahi na may maraming bilang ay partihan ninyo ng malaki, at ang lahi na may kakaunting bilang ay partihan ninyo ng maliit. Kung ano ang mabunot nila, iyon na ang kanilang parte. Sa pamamagitan nito, mahahati ang lupa sa bawat lahi.

55“Ngunit kung hindi ninyo palalayasin ang mga naninirahan doon, ang mga matitira sa kanilaʼy magiging parang puwing sa inyong mga mata at tinik sa inyong mga tagiliran. Magbibigay sila ng kaguluhan sa inyong paninirahan doon.

56At gagawin ko sa inyo ang parusa na dapat para sa kanila.”

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.