MGA AWIT 141

Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David

1Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: magmadali ka sa akin:[#Awit 70:5.]

Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.

2Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;[#Luc. 8:10; Apoc. 5:8; 8:3, 4.]

Ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan.

3Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;[#Awit 39:1.]

Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.

4Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,

Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan

Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:

At huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.

5Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;[#Kaw. 9:8; 19:25; 25:12; Gen. 6:1.]

At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;

Huwag tanggihan ng aking ulo:

Sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.

6Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;

At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.

7Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,

Gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol.

8Sapagka't ang mga mata ko'y nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:[#2 Cron. 20:12; Awit 25:15; 123:1, 2.]

Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.

9Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,[#Awit 119:110; 140:5.]

At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.

10Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.[#Awit 7:15; 35:8.]

Habang ako'y nakatatanan.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society