The chat will start when you send the first message.
1Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.[#Is. 40:11; Jer. 23:4; Ezek. 34:21; Juan 10:11; 1 Ped. 2:25.]
2Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan:[#Ezek. 34:14.]
Pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan.
4Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
5Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:[#Awit 78:19; 104:15.]
Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
Ang aking saro ay inaapawan.
6Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.