The chat will start when you send the first message.
1Oh Dios, iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;[#Awit 44:9.]
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
2Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
3Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:[#Awit 71:20.]
Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
4Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,[#Awit 20:5; Is. 5:26.]
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
5Upang ang iyong minamahal ay makaligtas,[#Hanggang tal. 12; Awit 108:6-13.; #Deut. 33:12.]
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
6Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:[#Awit 89:35.]
Aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth,
7Galaad ay akin, at Manases ay akin;[#Jos. 13:9-31.]
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay aking setro.
8Moab ay aking hugasan;[#2 Sam. 8:2.]
Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, humiyaw ka dahil sa akin.
9Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?[#Awit 44:9; 108:11.]
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:[#Blg. 24:18; 1 Cron. 19:13.]
Sapagka't siya ang yumayapak sa aming mga kaaway.