The chat will start when you send the first message.
3Mga kapatid, nararapat lang na pasalamatan namin ang Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Kristo at pagmamahal sa isaʼt isa.
4Kaya naman, ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar dahil sa katatagan at pananampalataya ninyo, sa kabila ng lahat ng dinaranas ninyong paghihirap at pag-uusig.
5Ang mga ito ay patunay na makatarungan ang hatol ng Diyos, at dahil ditoʼy ginawa kayong karapat-dapat na mapabilang sa kaharian ng Diyos, na dahilan ng inyong pagdurusa.
6Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.
7At kayong mga naghihirap ay bibigyan niya ng kapahingahan kasama namin. Mangyayari ito pagbalik ng Panginoong Hesus mula sa langit kasama ang kanyang makapangyarihang mga anghel.
8Darating siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy, at parurusahan niya ang mga hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Hesus.
9Parurusahan sila ng walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Panginoon, at hindi na nila makikita pa ang dakila niyang kapangyarihan.
10Mangyayari ito sa araw ng pagbabalik niya. Papupurihan at pararangalan siya ng mga hinirang niya na walang iba kundi ang lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo rito, dahil naniwala kayo sa ipinahayag namin sa inyo.
11Ito ang dahilan kung bakit palagi namin kayong ipinapanalangin na tulungan kayo ng Diyos na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga hinirang niya. At dalangin din namin na sa tulong ng kapangyarihan niya, magawa nʼyo ang lahat ng mabubuting bagay na gusto ninyong gawin dahil sa inyong pananampalataya.
12Sa ganitong paraan, maluluwalhati ninyo ang ating Panginoong Hesus at kayo naman ay mapaparangalan niya ayon sa biyaya ng ating Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo.