The chat will start when you send the first message.
1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Makikita mo ngayon kung ano ang gagawin ko sa Faraon. Dahil sa kapangyarihan ko, papayagan niyang umalis kayo sa bayan niya. Itataboy pa nga niya kayo.”
2Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Ako ang Panginoon .
3Nagpakita ako kina Abraham, Isaac, at Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan, pero hindi ko ipinakilala sa kanila ang pangalan kong Panginoon .
4Gumawa ako ng kasunduan sa kanila, na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan kung saan sila nanirahan bilang mga dayuhan.
5Narinig ko ang hinaing ng mga Israelita na inaalipin ng mga Ehipsiyo at inalala ko ang aking kasunduan sa kanila.
6“Kaya sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako ang Panginoon . Palalayain ko kayo sa pagkaalipin sa Ehipto. Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, matinding parusa ang ibibigay ko sa mga Ehipsiyo, at ililigtas ko kayo sa pagkaalipin.
7Ituturing ko kayong aking mga mamamayan at akoʼy magiging Diyos ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon na inyong Diyos na nagligtas sa inyo sa pagkaalipin sa Ehipto.
8Dadalhin ko kayo sa lupaing ipinangako kong ibibigay kina Abraham, Isaac, at Jacob. Ibibigay ko ito sa inyo bilang pag-aari ninyo. Ako ang Panginoon .’ ”
9Sinabi ito ni Moises sa mga Israelita pero hindi sila naniwala sa kanya dahil nawalan na sila ng pag-asa sa sobrang pagpapahirap sa kanila bilang mga alipin.
10Sinabi ng Panginoon kay Moises,
11“Lumakad ka at sabihin sa Faraon na hari ng Ehipto na payagan na niyang umalis ang mga Israelita sa bayan niya.”
12Ngunit sinabi ni Moises sa Panginoon , “Kung ang mga Israelita nga poʼy hindi nakikinig sa akin, ang Faraon pa kaya? Lalo naʼt hindi ako magaling magsalita!”
13Subalit kinausap ng Panginoon sina Moises at Aaron, at pinagbilinan sila patungkol sa mga Israelita at kay Faraon para ilabas nila ang mga Israelita sa Ehipto.
Ang mga anak na lalaki ni Ruben, na panganay na anak ni Israel ay sina Hanoc, Falu, Hezron at Carmi. Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan na nagmula kay Ruben.
15Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul. (Si Saul ang anak ni Simeon sa isang Cananeo.) Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan na nagmula kay Simeon.
16Ang mga anak na lalaki ni Levi ayon sa kasaysayan ng kanyang lahi ay sina Gerson, Kohat at Merari. (Nabuhay si Levi ng 137 taon.)
20Napangasawa ni Amram si Jocebed na kapatid ng kanyang ama. Ang kanilang mga anak na lalaki ay sina Aaron at Moises. (Nabuhay si Amram ng 137 taon.)
21Ang mga anak na lalaki ni Izar ay sina Kora, Nefeg at Zicri.
22Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay sina Misael, Elzafan at Sitri.
23Napangasawa ni Aaron si Elisabet na anak ni Aminadab at kapatid ni Naason. Ang mga anak nilang lalaki ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
24Ang mga anak na lalaki ni Kora ay sina Asir, Elcana at Abiasaf. Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan nagmula kay Kora.
25Si Eleazar na anak ni Aaron ay nakapag-asawa ng isa sa mga anak ni Futiel. Ang kanilang anak na lalaki ay si Finehas.
26Ang Aaron at Moises na nabanggit sa listahang ito ay ang Aaron at Moises na inutusan ng Panginoon na manguna sa pagpapalaya ng bawat angkan ng Israel sa Ehipto.
27Sila ang nakipag-usap sa Faraon na hari ng Ehipto na palayain ang mga Israelita sa Ehipto.
28Nang nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises sa Ehipto,
29sinabi niya kay Moises, “Ako ang Panginoon . Sabihin ninyo sa Faraon na hari ng Ehipto ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”
30Ngunit sinabi ni Moises sa Panginoon , “Hindi po ako magaling magsalita, kaya hindi makikinig ang Faraon sa akin.”