Ezra 4

Sinalungat ang Muling Pagpapatayo ng Templo

1Nabalitaan ng mga kaaway ng mga taga-Juda at taga-Benjamin na muling ipinapatayo ng mga bumalik galing sa pagkabihag ang Templo ng Panginoon , ang Diyos ng Israel.

2Kaya pumunta sila kay Zerubabel at sa mga pinuno ng mga pamilya, at nagsabi, “Tutulungan namin kayo sa pagpapatayo ng Templo dahil sinasamba rin namin ang Diyos nʼyo kagaya ng ginagawa ninyo. Matagal na kaming naghahandog sa kanya, mula pa noong panahon ni Haring Esarhadon ng Asiria na siyang nagdala sa amin dito.”

3Ngunit ito ang sagot nina Zerubabel, Jeshua, at ng mga pinuno ng mga pamilya: “Inutusan kami ni Haring Ciro ng Persia na muling ipatayo ang Templo. Ngunit hindi kayo kasama sa pagpapatayo nito para sa aming Diyos. Kami lang ang magpapatayo nito para sa Panginoon , ang Diyos ng Israel.”

4Kaya pinahina ang loob at tinakot ng mga taong dati nang nakatira sa lupaing iyon ang mga tao sa Juda upang hindi nila maipagpatuloy ang kanilang trabaho.

5Sinuhulan nila ang ilang mga opisyal ng gobyerno ng Persia para salungatin at sirain ang mga plano ng mga tao sa Juda. Patuloy nila itong ginagawa sa panahong si Ciro ang hari ng Persia hanggang sa panahong si Dario na ang hari ng Persia.

Sinalungat ang Muling Pagpapatayo ng Jerusalem

6Nang maging hari si Asuero, ang mga kalaban ng mga naninirahan sa Jerusalem at ng iba pang mga nakatira sa Juda ay sumulat ng mga paratang laban sa kanila.[#4:6 : Sa Hebreo, Ahasuerus.]

7At kahit na noong si Artaherhes na ang hari ng Persia, sumulat din sila sa kanya. Sila ay sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang iba pa nilang mga kasama. Isinulat nila ito sa wikang Arameo at isinalin sa wika ng mga taga-Persia.

8Sumulat din kay Haring Artaherhes si Rehum na gobernador at si Simsai na kalihim laban sa mga taga-Jerusalem. Ganito ang sinabi nila:

11Ito ang nilalaman ng kanilang sulat:

17Ito ang sagot na ipinadala ng hari:

23Pagkatapos basahin kina Rehum, Simsai, at sa mga kasama nila ang liham ni Haring Artaherhes, pumunta agad sila sa Jerusalem at pinilit ang mga Hudyo na itigil ang muling pagpapatayo ng lungsod.

24Kaya natigil ang pagpapatayo ng bahay ng Diyos sa Jerusalem hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario sa Persia.

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.
0:00-0:00