The chat will start when you send the first message.
1Nang matapos nilang sakupin ang lupain, nagtipon ang buong mamamayan ng Israelita sa Silo, at nagtayo ng Toldang Tipanan.
2May pito pang lahi ng mga Israelita na hindi pa nakatanggap ng kanilang bahagi sa lupain.
3Kaya sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Kailan nʼyo pa ba sasakupin ang natirang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon , ang Diyos ng mga ninuno nʼyo?
4Pumili kayo ng tatlong tao sa bawat lahi. Papupuntahin ko sila para suriin ang natirang lupain. Pagkatapos, babalik sila sa akin na may dalang mapa na ginawa nila na nagpapakita kung papaano hahatiin ang lupaing iyon na magiging mana ng bawat lahi.
5Dapat hatiin ang lupain sa pitong bahagi, hindi kasali ang lupain ng lahi ni Juda sa timog at ang lupain ng lahi ni Jose sa hilaga.
6Pagkatapos madala ang mapa sa akin, magpapalabunutan agad ako sa presensya ng Panginoon na ating Diyos, kung kaninong lahi mapupunta ang bawat bahagi ng lupain.
7Ngunit ang mga Levita ay hindi papartihan ng lupa, dahil ang bahagi nila ay ang paglilingkod sa Panginoon bilang mga pari. Ang mga lahi nina Gad, Ruben, at ang kalahating lahi ni Manases ay nakatanggap na ng mga bahagi nilang lupain sa silangan ng Jordan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon .”
8Nang papaalis na ang mga napiling tao, sinabi ni Josue sa kanila, “Suriin nʼyo ang buong lupain at gawan nʼyo ito ng mapa. Pagkatapos, bumalik kayo rito sa akin sa Silo, dahil magpapalabunutan agad ako sa presensya ng Panginoon kung kaninong lahi mapupunta ang bawat bahagi ng lupain.”
9Kaya lumakad ang mga tao para suriin ang buong lupain. Pagkatapos, ginawan nila ito ng mapa, na ang lupaʼy nahati sa pitong bahagi, at inilista nila ang mga bayan at baryo na sakop ng bawat bahagi. Pagkatapos, bumalik sila kay Josue sa Silo.
12Ang hangganan nito sa hilaga ay nagsisimula sa Ilog Jordan papunta sa hilagang libis ng Jerico. Pagkatapos, paahon ito sa kanluran sa mga kabundukan hanggang sa disyerto ng Bet-aven.
13Mula roon, papunta ito sa libis na nasa bandang timog ng Luz (na siyang Betel). Pagkatapos, pababa ito sa Atarot-adar, sa bundok sa timog ng Mababang Bet-horon.
14Mula roon, papunta ito sa kanluran ng bundok na nakaharap sa Bet-horon at papunta sa timog. Nagtapos ito sa Kiriat Baal (na siyang Kiriat-jearim), isang bayan ng lahi ni Juda. Ito ang hangganan sa kanluran.
15Ang hangganan sa timog ay magmumula sa hangganan ng Kiriat-jearim. Mula roon, papunta ito sa kanluran sa mga bukal ng Neftoa.
16Pababa ito sa paanan ng bundok na nakaharap sa Lambak ng Ben-hinom. Ang lambak na ito ay nasa hilaga ng Lambak ng Refaim. Mula roon, papunta ito sa Lambak ng Hinom, sa timog na ng lungsod ng mga Jebuseo, pababa sa En-rogel.
17Paliko agad ito pahilaga papuntang En-semes, hanggang sa Gelilot na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim. Pagkatapos, pababa ito sa Bato ni Bohan na anak ni Ruben
18at dumaraan sa hilagang libis na nakaharap sa Kapatagan ng Jordan pababa sa Lambak mismo.[#18:18 : Sa Hebreo, Araba.]
19Pagkatapos, papunta ito sa hilagang libis ng Bet-hogla, at nagtapos ito sa hilagang daanan ng tubig ng Dagat na Patay, na siyang hangganan ng Ilog Jordan sa timog. Ito ang hangganan sa timog.
20Ang Ilog Jordan ay ang hangganan sa silangan.
Jerico, Bet-hogla, Emek-keziz,
22Bet-araba, Zemaraim, Betel,
23Avim, Para, Ofra,
24Kefar Amoni, Ofni at Geba; labindalawang bayan kasama ang mga baryo nito.
25Dagdag pa rito ay ang Gibeon, Rama, Beerot,
26Mizpa, Quefira, Moza,
27Requem, Irpeel, Tarala,
28Zela, Haelef, Jebus (na siyang Jerusalem), Gibea at Kiriat-jearim; labing-apat na bayan, kasama ang mga baryo nito.[#18:28 : Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, Kiriat.]