The chat will start when you send the first message.
1Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos
na namumuhay nang may pagkakaisa.
2Itoʼy parang mamahaling langis na ibinuhos
sa ulo ni Aaron
na dumaloy sa kanyang balbas
hanggang sa kuwelyo ng kanyang damit.
3Katulad din ito ng hamog sa Bundok ng Hermon
na umaabot sa Bundok ng Zion.
At dito sa Zion ay nangako ang Panginoon na magbibigay nang pagpapala,
at itoʼy ang buhay na walang hanggan.