Salmo 87

Salmo 87

1Itinayo ng Panginoon ang lungsod ng Jerusalem[#87:1 : O Zion.]

sa banal na bundok.

2Mahal niya ang lungsod na ito

kaysa sa lahat ng lugar sa Israel.

3Magagandang bagay ang kanyang sinasabi

tungkol sa lungsod na ito.

4Sabi niya, “Kung ililista ko

ang mga bansang

kumikilala sa akin,

isasama ko ang Ehipto, ang Babilonia,

pati na ang Filistia, Tiro at Etiopia.

Ituturing kong tubong Jerusalem

ang kanilang mga mamamayan.”

5Ito nga ang masasabi tungkol sa Zion,

“Ang taong ito at iyon

ay tubong Jerusalem.

At ang Kataas-taasang Diyos

ang siyang magpapatatag

ng lungsod niyang ito.”

6Ililista ng Panginoon ang kanyang

mga mamamayan

at isasama rin niya ang maraming tao

na ituturing niyang mga tubong Jerusalem.

7Silang lahat ay magsisiawit ng,

“Ang lahat ng ating mga pagpapala

ay sa Jerusalem nagmula!”

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.