Mga Awit 134

Paanyaya Upang Purihin ang Diyos

1Lumapit kay Yahweh, at kayo'y magpuri,

mga naglilingkod sa templo kung gabi.

2Sa loob ng templo siya'y dalanginan,

taas kamay na si Yahweh'y papurihan.

3Pagpalain nawa kayo ni Yahweh, Diyos na lumikha ng langit at ng lupa;

magmula sa Zion, ang iyong pagpapala.

© 2005 Philippine Bible Society
Published by: Philippine Bible Society