The chat will start when you send the first message.
1Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Tiyak na darating ang araw ng aking pagpaparusa. Magiging tulad ito ng nagliliyab na pugon. Parurusahan kong gaya ng pagsunog sa dayami ang lahat ng mayayabang at ang gumagawa ng masama. Magiging tulad sila ng sinunog na kahoy na walang natirang sanga o ugat.
2Pero kayong may takot sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kuwadra.[#4:2 : Sa literal, sisikatan ng araw ng katuwiran.]
3Pagdating ng araw na isakatuparan ko na ang mga bagay na ito, lilipulin ninyo ang masasama na parang alikabok na tinatapakan,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
4“Sundin ninyo ang Kautusang ibinigay ng aking lingkod na si Moises. Ang mga utos at mga tuntuning iyan ay ibinigay ko sa kanya doon sa Bundok ng Sinai upang sundin ng lahat ng mamamayan ng Israel.[#4:4 : Sa literal, Alalahanin ninyo.; #4:4 : Sa Hebreo, Horeb.]
5“Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng paghatol ng Panginoon , isusugo ko sa inyo si Propeta Elias.
6Ibabalik niya ang mabuting relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”