Mga Awit 114

Awit ng Paggunita sa Exodo

1Ang bayang Israel[#Exo. 12:51.]

sa bansang Egipto'y kanyang

inilabas,

nang ang lahing ito

sa bansang dayuhan lahat ay lumikas.

2Magmula na noon

ang lupaing Juda'y naging dakong banal,

at bansang Israel

ginawa ng Diyos na sariling bayan.

3Ang Dagat ng Tambo,[#Exo. 14:21; Jos. 3:16.]

nang ito'y makita, nagbigay ng daan,

magkabilang panig

ng Ilog ng Jordan ay tumigil naman.

4Maging mga bundok,

katulad ng tupa, ay pawang nanginig,

pati mga burol,

nanginig na parang tupang maliliit.

5Ano ang nangyari,

at ikaw, O dagat, nagbigay ng daan?

Ikaw Ilog Jordan,

bakit ang tubig mo ay tumigil naman?

6Kayong mga bundok,

bakit parang kambing na nagsisilundag?

Kayong mga burol,

maliit na tupa'y inyo namang katulad?

7Ikaw, O daigdig,

sa harap ni Yahweh, ngayon ay manginig,

dapat kang matakot

sapagkat darating ang Diyos ni Jacob,

8sa malaking bato[#Exo. 17:1-7; Bil. 20:2-13.]

nagpabukal siya ng saganang tubig,

at magmula roon

ang tubig na ito ay nagiging batis.

© 2005 Philippine Bible Society
Published by: Philippine Bible Society