1Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan.
At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.
2Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
Pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
3Sapagka't ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin,[#Awit 86:14.]
At ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)
4Narito, ang Dios ay aking katulong:
Ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.
5Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway:
Gibain mo sila sa iyong katotohanan.
6Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog:[#Blg. 15:3; Awit 51:12; Os. 14:4.]
Ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka't mabuti.
7Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan;
At nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.