MGA AWIT 64

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

1Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:

Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.

2Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;

Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:

3Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,[#Awit 7:4.]

At pinahilagpos ang kanilang mga palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:

4Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:

Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.

5Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;

Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;

Sinasabi nila, Sinong makakakita?

6Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;

Aming naganap, sabi nila , ang masikap na pagsiyasat;

At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.

7Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;[#Awit 7:12, 13.]

Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.

8Sa gayo'y sila'y matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:[#Kaw. 18:7.]

Ang lahat na makakita sa kanila ay mangaguuga ng ulo.

9At lahat ng mga tao ay mangatatakot;[#Awit 40:3.]

At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,

At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.

10Ang matuwid ay matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;[#Awit 32:11.]

At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society