1Nag-utos si Solomon na magtayo ng Templo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon , at ng palasyo para sa kanyang sarili.
2Nagpatawag siya ng pitumpung libong lalaking tagahakot, walumpung libong lalaking tagatabas ng mga bato sa mababang bahagi ng bundok, at tatlong libo at animnaraang kapatas.
3Nagpadala si Solomon ng ganitong mensahe kay Haring Hiram ng Tiro:[#2:3 : O Huram.]
11Ito ang sulat na isinagot ni Haring Hiram ng Tiro kay Solomon:
17Sinensus ni Solomon ang lahat ng dayuhang nakatira sa Israel katulad ng ginawa ni David na kanyang ama, at ang bilang ay 153,600.
18Ginawa niya ang pitumpung libo sa kanila na tagahakot, walumpung libo na tagatabas ng bato sa mababang bahagi ng bundok, at ang 3,600 bilang kapatas na mamamahala sa mga manggagawa.