Mga Bilang 7

Mga Handog sa Pagtatalaga

1Pagkatapos maiayos ni Moises ang Tolda, winisikan niya ito ng langis at itinalaga pati ang lahat ng kagamitan nito. Ganito rin ang ginawa niya sa altar at sa lahat ng kagamitan nito.

2Pagkatapos, nagdala ng mga handog sa Panginoon ang mga pinuno ng Israel, na pinuno ng bawat lahi. Sila ang nakatalaga sa pagsesensus.

3Nagdala sila ng anim na kariton at labindalawang baka – isang kariton sa bawat dalawang pinuno, at isang baka sa bawat isa sa kanila sa harapan ng Panginoon . Dinala nila ito sa harapan ng Toldang Sambahan.

4Sinabi ng Panginoon kay Moises,

5“Tanggapin mo ang kanilang mga handog upang magamit para sa mga gawain sa Toldang Tipanan. Ibigay ito sa mga Levita ayon sa kanilang gawain.”

6Kaya tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay ito sa mga Levita.

7Ibinigay niya ang dalawang kariton at apat na baka sa mga angkan ni Gerson para sa kanilang gawain.

8At ibinigay niya ang apat na kariton at walong baka sa mga angkan ni Merari para rin sa kanilang gawain. Pinamumunuan silang lahat ni Itamar na anak ng paring si Aaron.

9Ngunit hindi binigyan ni Moises ng kariton o baka ang mga angkan ni Kohat dahil sila ang itinalaga sa pagdadala ng mga banal na bagay ng Tolda.

10Sa araw na winisikan ng langis ang altar, nagdala rin ang mga pinuno ng kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar, at dinala nila ang mga ito sa harap ng altar.

11Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Kailangang sa bawat araw, may isang pinuno na magdadala ng kanyang handog para sa pagtatalaga ng altar.”

13Ang kanyang mga handog ay

19Ang kanyang mga handog ay

25Ang kanyang mga handog ay

31Ang kanyang mga handog ay

37Ang kanyang mga handog ay

43Ang kanyang mga handog ay

49Ang kanyang mga handog ay

55Ang kanyang mga handog ay

61Ang kanyang mga handog ay

67Ang kanyang mga handog ay

73Ang kanyang mga handog ay

79Ang kanyang mga handog ay

80Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;

84Ito ang lahat ng mga handog ng labindalawang pinuno ng mga Israelita para sa pagtatalaga ng altar:

89Kapag papasok si Moises sa Toldang Tipanan para makipag-usap sa Panginoon , naririnig niya ang boses na nakikipag-usap sa kanya galing sa gitna ng dalawang kerubin, sa ibabaw ng takip ng Kahon ng Kasunduan. Doon nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises.

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.