The chat will start when you send the first message.
4Palagi akong nagpapasalamat sa Diyos sa tuwing ipinapanalangin kita,
5dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Hesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos.[#1:5 : Sa Griyego, , na ang ibig sabihin ay “itinuring ng Diyos na kanya.”]
6Idinadalangin ko na sa pagbabahagi mo ng iyong pananampalataya ay lalo pang lumago ang iyong pang-unawa sa bawat kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Kristo.
7Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya, dahil sumigla ang kalooban nila sa pamamagitan mo.
8Kaya ngayon, bagamaʼt bilang apostol ni Kristo ay malakas ang loob kong utusan ka kung ano ang dapat mong gawin,
9minarapat kong makiusap na lamang sa iyo alang-alang sa pag-ibig. At akong si Pablo, bilang isang nakatatanda at bilanggo dahil kay Kristo Hesus
10ay nakikiusap sa iyo para kay Onesimo, na itinuturing kong anak. Naging ama niya ako sa pananampalataya dito sa bilangguan.
11Datiʼy wala siyang pakinabang sa iyo, ngunit ngayoʼy kapaki-pakinabang na siya sa ating dalawa.
12Pinababalik ko na saʼyo si Onesimo, na naging bahagi na ng aking puso.
13Gusto ko sanang manatili siya dito kasama ko upang makatulong siya sa akin bilang kapalit mo, habang nakabilanggo ako dahil sa pagpapahayag ng Magandang Balita.
14Ngunit ayaw ko itong gawin nang wala kang pahintulot, upang maging kusang-loob ang iyong pagtulong at hindi sapilitan.
15Marahil ay nawalay siya sa iyo pansamantala, upang sa kanyang pagbabalik ay hindi na kayo magkahiwalay pang muli.
16Babalik siya hindi na bilang alipin kundi higit pa sa alipin. Isa na siyang minamahal na kapatid sa akin at lalo na sa iyo, hindi lang bilang tao kundi kapatid rin sa Panginoon.
17Kaya kung itinuturing mo akong kamanggagawa sa Panginoon, tanggapin mo siya na parang ako ang iyong tinatanggap.
18Kung siya man ay nagkasala o nagkautang sa iyo, ako na lamang ang singilin mo.
19Akong si Pablo ang mismong sumulat nito: Ako ang magbabayad saʼyo, kahit na kung tutuusin ay utang mo sa akin ang iyong buhay.
20Kaya kapatid, pagbigyan mo na ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Pasiglahin mo ang kalooban ko bilang kapatid kay Kristo.
21Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin.
22Isa pa pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makabalik sa inyo bilang sagot sa inyong mga panalangin.
23Kinukumusta ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo dahil kay Kristo Hesus.
24Kinukumusta ka rin ng mga kamanggagawa kong sina Marcos, Aristarco, Demas at Lucas.
25Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo.