The chat will start when you send the first message.
1Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:[#1 Cron. 16:34, 41; Awit 106:1.]
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2Magsabi ngayon ang Israel,[#Awit 115:9-11.]
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:[#Awit 120:1.]
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.
6Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot:[#Heb. 13:6.; #Awit 56:4, 11.]
Anong magagawa ng tao sa akin?
7Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:[#Awit 54:4.]
Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
8Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon[#Awit 146:3.]
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
9Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag:[#Deut. 1:44.; #Awit 58:9.]
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:
Nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit;[#Ex. 15:2; Is. 12:2.]
At siya'y naging aking kaligtasan.
15Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;[#Luc. 1:51.]
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,[#Hab. 1:12.]
At magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;[#2 Cor. 6:9.]
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;[#Awit 24:7, 9.]
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
Papasukan ng matuwid.
21Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay[#Mat. 21:42; Mar. 12:10, 11; Luc. 20:17; Gawa 4:11; Ef. 2:20; 1 Ped. 2:4, 7.]
Ay naging pangulo sa sulok.
23Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:[#Mat. 21:9; 23:39; Mar. 11:9; Luc. 13:35.]
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag;[#Awit 97:11.]
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.
28Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:[#tal. 1.]
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.