MGA AWIT 130

Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

1Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.[#Awit 69:2, 14; Panag. 3:55; Jon. 2:2.]

2Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:

Pakinggan ng iyong mga pakinig

Ang tinig ng aking mga pamanhik.

3Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan,[#Job 10:14; Awit 90:8.]

Oh Panginoon, sinong tatayo?

4Nguni't may kapatawarang taglay ka,[#Ex. 34:7; Awit 86:5; Is. 55:7.]

Upang ikaw ay katakutan.

5Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,[#Awit 40:1; Is. 26:8.]

At sa kaniyang salita ay umaasa ako.

6Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon,[#Awit 119:47.]

Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;

Oo, higit kay sa bantay sa umaga.

7Oh Israel, umasa ka sa Panginoon;[#Awit 131:3.]

Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.

8At kaniyang tutubusin ang Israel[#Awit 25:22; 103:3, 4; Mat. 1:21.]

Sa lahat niyang kasamaan.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society