The chat will start when you send the first message.
1Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang,[#Rom. 4:7, 8.]
Na tinakpan ang kasalanan.
2Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon,[#2 Cor. 5:19.]
At walang pagdaraya ang diwa niya.
3Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto[#Awit 102:3.]
Dahil sa aking pagangal buong araw.
4Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay:[#1 Sam. 5:6, 11; Awit 38:2.]
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
5Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo,[#Awit 51:3.]
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
6Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka:[#Awit 69:13.]
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
7Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;[#Awit 9:9.]
Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
8Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:[#Awit 73:24.]
Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
9Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:[#Awit 33:18, 22.]
Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,
Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:[#Kaw. 13:21; Rom. 2:9.]
Nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:[#Awit 24:10; 68:3.]
At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.