MGA AWIT 67

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.

1Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,

At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)

2Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,[#Gawa 18:25.]

Ang iyong pangligtas na kagalingan sa lahat ng mga bansa.

3Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;[#Awit 66:4.]

Purihin ka ng lahat ng mga bayan.

4Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:

Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,

At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)

5Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;

Purihin ka ng lahat ng mga bayan.

6Isinibol ng lupa ang kaniyang bunga:[#Lev. 26:4; Awit 85:12.]

Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.

7Pagpapalain kami ng Dios:

At lahat ng mga wakas ng lupa ay mangatatakot sa kaniya.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society