HEBREO 5

1Bawat pinakapunong pari na pinili mula sa mga tao ay pinangasiwa sa mga bagay na may kaugnayan sa Diyos, para sa kanilang kapakanan, upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at ng mga alay para sa mga kasalanan.

2Siya ay marunong makitungo na may kaamuan sa mga mangmang at naliligaw, yamang siya man ay napapaligiran ng kahinaan.

3Dahil dito, kailangang siya'y maghandog para sa kanyang sariling mga kasalanan, at gayundin para sa taong-bayan.[#Lev. 9:7]

4At sinuman ay hindi kumukuha ng karangalang ito para sa kanyang sarili, kundi siya ay tinatawag ng Diyos, na gaya ni Aaron.[#Exo. 28:1]

5Maging si Cristo man ay hindi lumuwalhati sa kanyang sarili upang maging pinakapunong pari, kundi itinalaga ng nagsabi sa kanya,[#Awit 2:7]

“Ikaw ay aking Anak,

ako ngayon ay naging Ama mo.”

6Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako,[#Awit 110:4]

“Ikaw ay pari magpakailanman,

ayon sa pagkapari ni Melquizedek.”

7Sa mga araw ng kanyang buhay dito sa mundo, si Jesus ay naghandog ng mga panalangin at mga pakiusap na may malakas na pagtangis at pagluha sa may kapangyarihang magligtas sa kanya mula sa kamatayan, at siya'y pinakinggan dahil sa kanyang magalang na pagpapasakop.[#Mt. 26:36-46; Mc. 14:32-42; Lu. 22:39-46; #5:7 Sa Griyego ay .; #5:7 Sa Griyego ay .]

8Bagama't siya'y isang Anak, siya'y natuto ng pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang tiniis,

9at nang maging sakdal, siya ang naging pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng mga sumusunod sa kanya;

10yamang itinalaga ng Diyos bilang pinakapunong pari ayon sa pagkapari ni Melquizedek.

Babala Laban sa Pagtalikod

11Tungkol sa kanya'y marami kaming masasabi, at mahirap ipaliwanag, palibhasa'y naging mapurol na kayo sa pakikinig.

12Sapagkat bagaman sa panahong ito'y dapat na kayo'y mga guro na, kailangang muling may magturo sa inyo ng mga unang simulain ng aral ng Diyos. Kayo'y nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas.[#1 Cor. 3:2]

13Sapagkat bawat tumatanggap ng gatas ay walang alam sa salita ng katuwiran palibhasa'y isa siyang sanggol.

14Ngunit ang pagkaing matigas ay para sa mga nasa hustong gulang, na dahil sa pagsasagawa ay nasanay ang kanilang mga pandama na makilala ang pagkakaiba ng mabuti at masama.

©Philippine Bible Society, 2001
Published by: Philippine Bible Society