Ezra 1

Pinabalik ni Haring Ciro ang mga Hudyo sa Kanilang Lupain

(2~Cro. 36:22‑23)

1Noong unang taon ng paghahari ni Ciro sa Persia, tinupad ng Panginoon ang kanyang sinabi sa pamamagitan ni Jeremias. Hinipo niya ang puso ni Ciro upang gumawa ng isang pahayag. Isinulat ito at ipinadala sa buo niyang kaharian.[#1:1 : Para mangyari na mapalaya ang mga Israelita sa pagkabihag sa Babilonia paglipas ng 70 taon (tingnan sa Jer. 25:11 at 29:10).]

5May mga Israelitang hinipo ng Panginoon upang bumalik sa Jerusalem. Kaya naghanda silang pumunta roon upang ipatayo ang bahay ng Panginoon . Kasama sa kanila ang mga pinuno ng mga pamilyang mula sa mga lahi ni Juda at ni Benjamin, pati ang mga pari, at ang mga Levita.

6Ang ibang mga tao ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit na gawa sa pilak at ginto, mga kakailanganing bagay, mga hayop, iba pang mga mamahaling bagay, at handog na kusang-loob para sa Templo.

7Ibinalik din sa kanila ni Haring Ciro ang mga gamit sa Templo ng Panginoon na kinuha ni Haring Nebucadnezar sa Jerusalem at inilagay sa templo ng mga diyos-diyosan niya.

8Ipinagkatiwala ito ni Haring Ciro kay Mitredat na ingat-yaman ng kaharian niya. Binilang ito ni Mitredat at ibinigay ang listahan kay Sesbazar, ang gobernador ng Juda.

gintong bandehado 30

pilak na bandehado 1,000

pilak na kagamitan 29

10gintong mangkok 30

pilak na mangkok 410

iba pang mga gamit 1,000

Dinala lahat ito ni Sesbazar nang bumalik siya sa Jerusalem mula sa Babilonia kasama ng ibang mga bihag.

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.