Ezra 5

Ipinagpatuloy ang Pagpapatayo ng Templo

1Ngayon, inutusan ng Diyos ng Israel ang mga propeta na sina Hagai at Zacarias na apo ni Ido para sabihin ang mensahe niya sa mga Hudyo sa Jerusalem at sa buong Juda.

2Bilang pagtugon, sinimulan nina Zerubabel na anak ni Selatiel at Josue na anak ni Josadac ang muling pagtatayo ng Templo ng Diyos sa Jerusalem. Kasama nila ang mga propeta ng Diyos na tumulong rin sa kanila.

3Ngunit hindi nagtagal, dumating sa Jerusalem si Tatenai na gobernador ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates, si Setar-bozenai, at ang mga kasama nila. Nagtanong sila sa mga Hudyo, “Sino ang nag-utos sa inyo na ipagpatuloy ang pagpapatayo ng Templong ito?”[#5:3 : Ito ang nasa tekstong Septuagint at Syriac. Ngunit sa wikang Arameo, kami.]

4Nagtanong pa sila, “Ano-ano ang mga pangalan ng mga taong gumagawa ng gusaling ito?”

5Ngunit dahil iningatan ng Diyos ang mga tagapamahala ng mga Hudyo, hindi sila napatigil sa pagpapatayo hanggang sa maipaalam kay Haring Dario ang tungkol dito at makatanggap sila ng kanyang sagot.

6Ito ang nilalaman ng sulat na ipinadala ni Tatenai na gobernador, Setar-bozenai at ang kanilang mga kasamang opisyal ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates kay Haring Dario:

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.