The chat will start when you send the first message.
2Ang kanilang hangganan sa timog ay nagsisimula sa baybayin ng katimugang bahagi ng Dagat na Patay[#15:2 : Sa Hebreo, napakaalat na dagat.]
3papunta sa timog ng Daang Paahon ng Akrabim hanggang sa ilang ng Zin papunta sa timog ng Kades-barnea, at lumampas sa Hezron paakyat sa Adar at paliko papunta sa Karka,
4papunta sa Azmon, sa Lambak ng Ehipto at sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang hangganan ng Juda sa timog.
5Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Patay hanggang sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan.
Ang hangganan sa hilaga ay nagmula roon sa labasan ng tubig ng Ilog Jordan,
6paakyat sa Bet-hogla, at papunta sa hilaga ng Bet-araba hanggang sa Bato ni Bohan. (Si Bohan ay anak ni Ruben.)
7Mula rito, papunta sa Lambak ng Acor hanggang sa Debir, at paliko sa hilaga papunta sa Gilgal na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim sa katimugang bahagi ng daluyan ng tubig. At umaabot ito papunta sa mga bukal ng En-semes at palabas ng En-rogel.[#15:7 : Ang ibig sabihin, kaguluhan.]
8Mula roon papunta sa Lambak ng Ben-hinom hanggang sa katimugang libis ng lungsod ng mga Jebuseo. (Ito ay ang Jerusalem.) Mula roon, paahon sa tuktok ng bundok sa kanluran ng Lambak ng Hinom sa dulo ng hilagang bahagi ng Lambak ng Refaim.
9At mula roon, papunta sa Bukal ng Neftoa, palabas sa mga bayan na malapit sa Bundok ng Efron. Mula roon, pababa sa Baala (na siyang Kiriat-jearim),
10lumiko sa bandang kanluran ng Baala papunta sa Bundok ng Seir. Pagkatapos, papunta ito sa hilagang bahagi ng libis ng Bundok ng Jearim (na siyang Kesalon), papunta sa Bet-semes at dumadaan sa Timna.
11Mula roon, nagpatuloy ito sa hilagang bahagi ng libis ng Ekron at paliko papunta sa Shikeron, at dumaraan sa Bundok ng Baala hanggang sa Jabneel. Ang hangganan nito ay ang Dagat ng Mediteraneo.
12Ang hangganan sa gawing kanluran ay ang dalampasigan ng Dagat Mediteraneo.
13Iniutos ng Panginoon kay Josue na ibigay niya ang isang bahagi ng lupain ng lahi ni Juda kay Caleb na anak ni Jefune. Ang lupaing ito ay ang Kiriat-arba, na siyang Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.)
14Pinalayas ni Caleb sa lupaing iyon ang tatlong lahi ni Anak: ang mga sambahayan nina Sesai, Ahiman at Talmai.
15Mula roon nilusob niya ang mga nakatira sa Debir (na nooʼy tinatawag na Kiriat-sefer).
16Sinabi ni Caleb, “Ibibigay ko bilang asawa ang anak kong si Acsa sa lalaking makakaagaw ng Kiriat-sefer.”
17Si Otniel na anak ni Kenaz na kapatid ni Caleb ang nakaagaw ng lungsod. Kaya sa kanya ibinigay ni Caleb ang anak niyang si Acsa para maging asawa.
18Nang ikinasal na sila, hinikayat ni Acsa ang asawa niya na humingi sila ng dagdag na lupain sa ama nito. Pagkatapos, pumunta si Acsa kay Caleb, at nang makababa na siya sa kanyang asno, tinanong siya ni Caleb kung ano ang kailangan niya.
19Sumagot si Acsa, “Hihingi po sana ako ng pabor sa inyo, gusto ko po sanang bigyan nʼyo ako ng lupaing may mga bukal dahil ang lupaing ibinigay nʼyo sa akin sa Negeb ay walang bukal.” Kaya ibinigay sa kanya ni Caleb ang lugar na may mga bukal sa itaas at sa ibaba ng Negeb.
21Ang mga bayan ng lahi ni Juda sa timog, sa pinakadulo ng Negeb malapit sa hangganan ng Edom: Kabzeel, Eder, Jagur,
22Kina, Dimona, Adada,
23Kedes, Hazor, Itnan,
24Zif, Telem, Bealot,
25Hazor-hadata, Keriot-hezron (na siyang Hazor),
26Amam, Shema, Molada,
27Hazar-gada, Hesmon, Bet-pelet,
28Hazar-sual, Beer-seba, Biziotia,
29Baala, Iyim, Ezem,
30Eltolad, Kesil, Horma,
31Ziklag, Madmana, Sansana,
32Lebaot, Shilhim, Ayin at Rimon; dalawampuʼt siyam na bayan lahat, kasama ang mga bayan at mga baryo sa paligid nito.
33Ang mga bayan sa kaburulan sa kanluran: Estaol, Zora, Asna,[#15:33 : Sa Hebreo, Shefela.]
34Zanoa, En-ganim, Tapua, Enam,
35Jarmut, Adulam, Soco, Azeka,
36Saaraim, Aditaim, Gedera (o Gederotaim); labing-apat na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
37Kasama rin ang Zenan, Hadasa, Migdal-gad,
38Dilean, Mizpa, Joctel,
39Laquis, Bozkat, Eglon,
40Cabon, Lamas, Kitlis,
41Gederot, Bet-dagon, Naama at Makeda; 16 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
42Kasama pa ang Libna, Eter, Asan,
43Ifta, Asna, Nezib,
44Keila, Aczib at Maresa; 9 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
45Ganoon din ang Ekron at ang mga bayan at baryo sa paligid nito,
46at ang lahat ng bayan at mga baryo na malapit sa Asdod mula sa Ekron papunta sa Dagat ng Mediteraneo.
47Ang Asdod at Gaza, kasama ang mga bayan nito at mga baryo hanggang sa Lambak ng Ehipto at sa baybayin ng Dagat ng Mediteraneo.
48Ang mga bayan sa kabundukan: Samir, Jatir, Soco,
49Dana, Kiriat-sana (na siyang Debir),
50Anab, Estemo, Anim,
51Goshen, Holon at Gilo; labing-isang bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
52Ganoon din ang Arab, Duma, Esan,
53Janum, Bet-tapua, Afeka,
54Humta, Kiriat-arba (na siyang Hebron) at Zior; 9 bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
55Kabilang din ang Maon, Carmel, Zif, Juta,
56Jezreel, Jokdeam, Zanoa
57Kain, Gibea at Timna; sampung bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
58Ganoon din ang Halhul, Bet-sur at Gedor,
59Maarat, Bet-anot at Eltekon; 6 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
60Ang Kiriat Baal (na siyang Kiriat-jearim) at ang Rabba; dalawang bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
61Ang mga bayan sa ilang: Bet-araba, Midin, Secaca,
62Nibsan, ang bayan ng Asin at ang En-gedi; anim na bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
63Ngunit hindi mapaalis ng lahi ng Juda ang mga Jebuseo na nakatira sa Jerusalem. Kaya hanggang ngayon doon pa sila nakatira kasama ng mga mamamayan ng Juda.