The chat will start when you send the first message.
1May mga Pariseo at mga Saduceo na lumapit kay Hesus para subukin siya. Hiniling nilang magpakita siya ng himala mula sa Diyos bilang patunay na siya ay sugo ng Diyos.
2Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag palubog na ang araw at mapula ang langit, sinasabi ninyo, ‘Magiging maayos ang panahon bukas.’
3At kapag umaga at makulimlim ang langit, sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon.’ Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa langit, ngunit bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon?
4Kayong henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos! Humihingi kayo ng tanda, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Jonas.” Pagkatapos, umalis si Hesus.
5Nang makatawid sina Hesus sa lawa, naalala ng mga alagad niyang hindi sila nakapagbaon ng kahit anong tinapay.
6Sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo.”[#16:6 : Ang tinutukoy ni Hesus dito ay ang masasamang ugali ng mga Pariseo at mga Saduceo na maaaring makahawa sa kanila.]
7Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.
8Ngunit alam ni Hesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya, “Napakaliit naman ng inyong pananampalataya! Bakit ninyo pinag-uusapan ang hindi ninyo pagdadala ng tinapay?
9Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Nakalimutan na ba ninyo ang ginawa ko sa limang tinapay para mapakain ang limang libong tao? Hindi ba ninyo naalala kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain?
10Nakalimutan na rin ba ninyo ang ginawa ko sa pitong tinapay upang mapakain ang apat na libong tao, at kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain?
11Hindi ba ninyo naiintindihang hindi tinapay ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo?’ ”
12At saka lang nila naintindihan na hindi pala sila pinag-iingat sa pampaalsa kundi sa mga turo ng mga Pariseo at mga Saduceo.
13Nang makarating si Hesus sa lupain ng Cesarea na sakop ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Anak ng Tao?”
14Sumagot sila, “May mga nagsasabi pong si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring si Elias, at ang iba namaʼy nagsasabing si Jeremias o isa sa mga propeta.”
15Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit sa inyo, sino ako?”
16Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy.”
17Sinabi ni Hesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Diyos, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit.
18At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro At sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.[#16:18 : Ang ibig sabihin, “bato”.]
19Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.”
20Pagkatapos nito, mahigpit na pinagbilinan ni Hesus ang kanyang mga alagad na huwag ipaalam kahit kanino na siya ang Mesias.
21Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa mga alagad niya na dapat siyang pumunta sa Jerusalem at dumanas ng maraming paghihirap sa kamay ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At siyaʼy ipapapatay nila, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.
22Kaya dinala ni Pedro si Hesus sa isang tabi at sinabihan, “Huwag sanang ipahintulot ng Diyos, Panginoon! Hindi ito kailanman mangyayari sa inyo!”
23Hinarap ni Hesus si Pedro at sinabi, “Lumayo ka saʼkin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Diyos, dahil hindi ayon sa kalooban ng Diyos ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao!”
24At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang gustong maging alagad ko ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.
25Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
26Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?
27Sapagkat ang Anak ng Tao ay darating kasama ang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng Ama. Sa araw na iyon, gagantimpalaan niya ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa.
28“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari.”