The chat will start when you send the first message.
1Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda,
at sa Israel ay dakila siya.
2Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.[#76:2 : Sa Hebreo, Salem. Isa rin itong pangalan ng Jerusalem na ang ibig sabihin ay “kapayapaan”.]
3Doon, sinira niya ang mga nagniningas
na palaso ng kaaway,
ang kanilang mga pananggalang, espada
at iba pang kagamitang pandigma.
4O Diyos, makapangyarihan kayo
at higit na dakila
habang bumababa kayo sa bundok
na kung saan pinatay nʼyo
ang inyong mga kaaway.
5Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.
Silang lahat ay namatay na;
wala nang makakapagbuhat pa
ng kamay sa amin.
6O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw,[#76:6 : O saway.]
ang mga kawal at ang kanilang mga kabayo ay namatay.
7Kaya dapat kayong katakutan.
Sinong makakatagal sa inyong harapan
kapag kayoʼy nagalit?
8Mula sa langit ay humatol kayo.
Ang mga tao sa mundo
ay natakot at tumahimik
9nang humatol kayo, O Diyos,
upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
10Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao[#76:10 : O ang galit ng mga tao.]
ay magbibigay ng karangalan sa inyo,
ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos
ang inyong galit.
11Mangako kayo sa Panginoon
na inyong Diyos at tuparin ito.
Lahat kayong mga bansang nasa paligid,
magdala kayo ng mga regalo sa Diyos
na siyang karapat-dapat katakutan.
12Ibinababa niya ang mapagmataas
na mga pinuno;
kinatatakutan siya ng mga hari
rito sa mundo.