The chat will start when you send the first message.
1Mga kapatid, ang ninanais at dinadalangin ng aking puso sa Diyos ay ang kaligtasan ng aking mga kalahing Hudyo.
2Ako na rin ang makakapagpatunay na masigasig sila sa kanilang paglilingkod sa Diyos, kaya nga lang ay hindi ayon sa tamang kaalaman.
3Itoʼy sa dahilang hindi nila alam kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang isang tao. Nagsikap silang gumawa ng sariling pamamaraan sa halip na sundin nila ang pamamaraan ng Diyos.
4Sapagkat tinupad na ni Kristo ang Kautusan, kaya ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay ituturing ng Diyos na matuwid.
5Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa taong itinuturing ng Diyos na matuwid batay sa Kautusan: “Ang taong sumusunod sa Kautusan ay mabubuhay nang ayon sa Kautusan.”[#10:5 Lev. 18:5.]
6Ngunit ganito naman ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya: “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ba ang aakyat sa langit?’ (upang ibaba si Kristo).
7O di kayaʼy, ‘Sino ang bababa sa lugar ng mga patay?’ (upang ibangon si Kristo mula sa mga patay).”
8Sa halip, sinasabi ng Kasulatan, “Ang salita ng Diyos ay malapit saʼyo; nasa bibig at puso mo.” Itoʼy walang iba kundi ang pananampalatayang ipinapangaral namin:[#10:8 Deu. 30:12‑14.]
9na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
10Sapagkat itinuturing ng Diyos na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niyang siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya.
11Sinasabi sa Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”[#10:11 Isa. 28:16. Ito ay hango sa saling Septuagint.]
12Sapagkat walang pagkakaiba ang Hudyo at Hentil. Ang Panginoon ay Panginoon ng lahat, at pinagpapala niya nang masagana ang lahat ng tumatawag sa kanya.[#10:12 : Sa literal, Griyego.]
13Sapagkat, “Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”[#10:13 Joel 2:32.]
14Ngunit paano sila tatawag kung hindi naman sila sumasampalataya sa kanya? At paano sila sasampalataya kung hindi pa sila nakakarinig ng tungkol sa kanya? At paano sila makakarinig kung walang mangangaral?
15At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan: “Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita.”[#10:15 Isa. 52:7.]
16Ngunit hindi naman tinatanggap ng lahat ang Magandang Balita. Sinabi nga ni Isaias, “Panginoon, sino po ba ang naniwala sa sinabi namin?”[#10:16 Isa. 53:1.]
17Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.
18Ito ngayon ang tanong ko: Hindi ba nakarinig ang mga Israelita? Nakarinig sila, dahil sinasabi sa Kasulatan:
“Narinig sa lahat ng dako
ang kanilang tinig;
At nakarating sa buong mundo
ang sinabi nila.”
19Kung ganoon, hindi ba ito naunawaan ng mga Israelita? Naunawaan nila, dahil ayon sa isinulat ni Moises,
“Iinggitin ko kayo
sa pamamagitan ng mga lahing
hindi maituturing na bansa.
Gagalitin ko kayo dahil ipapakita ko
ang aking awa sa mga tao
na hindi nakakakilala sa akin.”
20At buong tapang namang sinabi ni Isaias:
“Natagpuan ako ng mga tao
na hindi humanap sa akin.
Ipinakilala ko ang aking sarili
sa mga hindi nagtatanong
tungkol sa akin.”
21Ngunit tungkol naman sa Israel, ito ang sinabi ng Diyos:
“Matagal akong nanawagan
at naghintay sa isang bansang
matigas ang ulo at suwail.”