Mga Awit 136

Awit ng Pagpapasalamat

1Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan.[#1 Cro. 16:34; 2 Cro. 5:13; 7:3; Ez. 3:11; Awit 100:5; 106:1; 107:1; 118:1; Jer. 33:11.]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

2Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

3Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

4Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

5Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan.[#Gen. 1:1.]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

6Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman.[#Gen. 1:2.]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

7Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan.[#Gen. 1:16.]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

8Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

9At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

10Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay.[#Exo. 12:29.]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

11Mula sa Egipto kanyang inilabas ang bayang hinirang.[#Exo. 12:51.]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

12Ang ginamit niya'y mga kamay niyang makapangyarihan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

13Ang Dagat na Pula, kanyang inutusan at nahati naman.[#Exo. 14:21-29.; #13 o kaya'y .]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

14Ang pinili niyang bayan ng Israel ay doon dumaan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

15Ngunit nilunod niya itong Faraon at hukbong sandatahan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

16Nang mailabas na'y siya ang kasama habang nasa ilang.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

17Pinagpapatay niya yaong mga haring may kapangyarihan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

18Maging mga haring bantog noong una ay kanyang pinatay.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

19Siya ang pumatay sa haring Amoreo, ang haring si Sihon.[#Bil. 21:21-30.]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

20Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan.[#Bil. 21:31-35.]

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

21Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

22Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

23Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

24Pinalaya tayo, nang tayo'y masakop ng mga kalaban.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

25Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

26Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

© 2005 Philippine Bible Society
Published by: Philippine Bible Society