MGA AWIT 111

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.

1Purihin ninyo ang Panginoon.

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso,

Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.

2Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,

Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.

3Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan:[#Awit 145:5.]

At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.

4Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:

Ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.

5Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya:[#Mat. 6:26, 33.]

Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.

6Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,

Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.

7Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan:[#Apoc. 15:3.]

Lahat niyang mga tuntunin ay tunay.

8Nangatatatag magpakailankailan man,[#Is. 40:8; Mat. 5:8.]

Mga yari sa katotohanan at katuwiran.

9Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan;[#Awit 107:20; Luc. 1:68.]

Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:

Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.

10Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;[#Deut. 4:6.]

May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos .

Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society