MGA AWIT 114

Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.

1Nang lumabas ang Israel sa Egipto,[#Ex. 13:3.]

Ang sangbahayan ni Jacob mula sa bayang may ibang wika;

2Ang Juda ay naging kaniyang santuario,[#Ex. 25:8; Deut. 27:9.]

Ang Israel ay kaniyang sakop.

3Nakita ng dagat, at tumakas;[#Ex. 14:21; Jos. 3:13, 16.]

Ang Jordan ay napaurong.

4Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,[#Awit 68:16; Hab. 3:6.]

Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.

5Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?[#Hab. 3:8.]

Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?

6Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;

Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?

7Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,

Sa harapan ng Dios ni Jacob;

8Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.[#Blg. 20:11; Awit 78:15.]

Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society