MGA AWIT 121

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

1Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok;[#Awit 87:1.]

Saan baga manggagaling ang aking saklolo?

2Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,[#Awit 124:8.]

Na gumawa ng langit at lupa.

3Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:[#1 Sam. 2:9; Awit 66:9.]

Siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.

4Narito, siyang nagiingat ng Israel

Hindi iidlip ni matutulog man.

5Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:

Ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.

6Hindi ka sasaktan ng araw sa araw,[#Awit 91:1; Is. 49:10; Apoc. 7:16.]

Ni ng buwan man sa gabi.

7Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;

Kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.

8Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,[#Deut. 28:6.]

Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society