MGA AWIT 13

Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

1Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?

Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?

2Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,

Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?

Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?

3Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:

Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;

4Baka sabihin ng aking kaaway,[#Awit 38:16.]

Ako'y nanaig laban sa kaniya;

Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako'y nakilos.

5Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.

Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:

6Ako'y aawit sa Panginoon,

Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society