MGA AWIT 29

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

1Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,[#1 Cron. 16:28, 29; Awit 96:7, 9.]

Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.

2Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:

Inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.

3Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:[#Job 37:2, etc.]

Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,

Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig.

4Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;

Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.

5Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;

Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.

6Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya:[#Awit 114:4, 6.]

Ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.

7Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.

8Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:

Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.

9Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,

At hinuhubdan ang mga gubat:

At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.

10Ang Panginoon ay naupo sa Baha na parang Hari ;[#Gen. 6:17.]

Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.

11Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;[#Awit 28:8.]

Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society