Jeremias 32

Bumili ng Bukid si Jeremias

1Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias noong ikasampung taon ng paghahari ni Zedequias sa Juda, na ikalabingwalong taon naman ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia.

2Nang panahong iyon, sinasalakay ng mga sundalo ng Babilonia ang Jerusalem, at si Propeta Jeremias ay nakakulong sa bilangguan sa himpilan ng mga guwardiya sa palasyo ng hari ng Juda.

3Ikinulong siya roon ni Haring Zedequias na hari ng Juda dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon : Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.

4Si Zedequias na hari ng Juda ay mabibihag ng mga taga-Babilonia at siyaʼy dadalhin sa hari ng Babilonia. Kakausapin niya ito nang harapan at magkikita sila nang mukha sa mukha.[#32:4 : Sa literal, Caldeo. Ganito rin sa talata 5|JER 32:5, 24|JER 32:24, 25|JER 32:25, 28|JER 32:28 at 43|JER 32:43.]

5Dadalhin ko si Zedequias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa matapos ang pagpaparusa sa kanya. Lumaban man kayo sa mga taga-Babilonia, hindi rin kayo magtatagumpay. Ako, ang Panginoon , ang nagsasabi nito.”

6Sinabi pa ni Jeremias, “Sinabi sa akin ng Panginoon na

7si Hanamel na anak ng tiyo kong si Salum ay lalapit sa akin at magsasabi, ‘Bilhin mo ang bukid ko sa Anatot. Dahil ikaw ang pinakamalapít kong kamag-anak, may karapatan at tungkulin kang bilhin ito.’

8“Gaya nga ng sinabi sa akin ng Panginoon , pumunta sa akin si Hanamel na pinsan ko roon sa himpilan ng mga guwardiya. Sinabi niya sa akin, ‘Bilhin mo ang bukid ko roon sa Anatot sa lupain ng lahi ni Benjamin. May karapatan at tungkulin ka upang tubusin at mapasaiyo, kaya bilhin mo na iyon.’ ”

Alam kong kalooban ito ng Panginoon ,

9kaya binili ko ang bukid na iyon kay Hanamel sa halagang labimpitong pirasong pilak.

10Nilagdaan at tinatakan niya ang mga kasulatan ng bilihan sa harap ng mga saksi at tinimbang ang pilak bilang kabayaran.

11Pagkatapos, kinuha ko ang mga kasulatang may tatak at ang kopyang walang tatak kung saan nakasulat ang mga kasunduan at tuntunin ng bilihan.

12At ibinigay ko ito kay Baruc na anak ni Nerias na apo ni Maaseias, sa harap ni Hanamel at ng mga saksi na pumirma sa mga kasulatang ito, at sa harap ng lahat ng Hudyo na nakaupo sa himpilan ng mga guwardiya.

13At sa harap nilaʼy sinabi ko kay Baruc

14na ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo ang mga kasulatang natatakan at hindi natatakan, at ilagay mo sa palayok upang hindi ito masira at upang tumagal ito ng mahabang panahon.

15Sapagkat darating ang araw na muling magbibilihan ng mga ari-arian ang mga tao sa lugar na ito. Magbibilihan sila ng mga bahay, mga bukid, at mga ubasan. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito.”

16Pagkatapos kong maibigay ang kasulatan kay Baruc na anak ni Nerias, nanalangin ako sa Panginoon :

26Kaya sinabi ng Panginoon kay Jeremias,

27“Ako ang Panginoon , ang Diyos ng lahat ng tao. Mayroon bang bagay na hindi ko magagawa?

28Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon : Ibibigay ko ang lungsod na ito sa mga taga-Babilonia at sa hari nilang si Nebucadnezar, at mapapasakanila ito.

29Susunugin ng mga Caldeo ang lungsod na ito, pati na ang mga bahay na ang bubungan ay pinagsusunugan ng mga insensong para kay Baal at pinaghahandugan ng mga handog na inumin para sa mga diyos-diyosang labis kong ikinagalit.

30“Mula pa noong una, wala nang ginawa ang mga taga-Israel at taga-Juda kundi puro kasamaan. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng mga ginagawa nila, sabi ng Panginoon .

31Mula nang itayo ang lungsod na ito hanggang ngayon, ginagalit ako ng mga mamamayan nito. Kaya wawasakin ko na ito.

32Ginagalit ako ng mga taga-Israel at taga-Juda dahil sa masasama nilang ginagawa. Lahat sila; ang kanilang mga hari at pinuno, mga pari at propeta, at ang mga taga-Jerusalem.

33Lumayo sila sa akin kahit palagi ko silang tinuturuan. Ayaw nilang makinig at ayaw nilang magpaturo.

34Inilagay nila ang mga kasuklam-suklam nilang diyos-diyosan sa aking Templo kung saan ako sinasamba, at dahil dito ay dinungisan nila ito.

35Nagtayo sila ng mga sambahan para kay Baal sa Lambak ng Ben-hinom at doon din nila inihahandog ang kanilang mga anak kay Molec. Hindi ko sila inutusan ng ganoon. Ni hindi sumagi sa isipan ko na gagawin nila itong kasuklam-suklam na bagay na siyang naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Juda.

36“Jeremias, totoo ang sinabi mong ibibigay sa hari ng Babilonia ang lungsod na ito sa pamamagitan ng digmaan, taggutom at sakit. Ngunit ngayon ako, ang Panginoon , ang Diyos ng Israel, ay nagsasabi:

37Titipunin ko ang mga mamamayan ko mula sa lahat ng bansa na pinangalatan ko sa kanila dahil sa matinding galit ko sa kanila. Muli ko silang dadalhin sa lugar na ito at mamumuhay sila nang payapa.

38Magiging mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila.

39Bibigyan ko sila ng pagkakaisa sa puso at hangarin sa buhay para sambahin nila ako magpakailanman, para sa sarili nilang kabutihan at sa kabutihan ng mga angkan nila.

40Gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa kanila na patuloy akong gagawa ng mabuti sa kanila. Bibigyan ko sila ng hangaring gumalang sa akin upang hindi na sila lumayo sa akin.

41Kagalakan ko ang gawan sila ng mabuti at buong puso ko silang patitirahin sa lupaing ito.”

42Sinabi pa ng Panginoon , “Kung paano ko pinadalhan ng kapahamakan ang mga taong ito, darating ang araw na padadalhan ko rin sila ng kabutihang ipinangako ko sa kanila.

43At muling magbibilihan ng mga bukid sa lupaing ito na ngayon ay malungkot at walang naninirahang tao o hayop man dahil ibinigay ito sa mga taga-Babilonia.

44“Muling magbibilihan ng mga bukid na bayad ay pilak, at may katibayang lalagdaan, tatatakan at sasaksihan na patunay ng bentahan. Gagawin ito sa lupain ni Benjamin, sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem, sa mga bayan ng Juda, sa mga bayan sa kabundukan at kaburulan sa kanluran, at sa Negeb. Mangyayari ito dahil pababalikin ko ang mga mamamayan ko sa lupain nila mula sa pagkakabihag. Ako, ang Panginoon , ang nagsasabi nito.”[#32:44 Tingnan ang talababa sa 29:14.]

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.