The chat will start when you send the first message.
1Pinagbayad ni Haring Asuero ng buwis ang lahat ng mamamayan sa buong kaharian niya, pati na ang nakatira sa mga isla.[#10:1 : O lugar malapit sa dagat o malalayong lugar.]
2Ang kapangyarihan ni Haring Asuero at ang lahat ng ginawa niya, pati na ang pagtataas niya ng katungkulan kay Mordecai at ang malaking karangalang ibinigay niya rito ay nakasulat lahat sa Aklat ng Kasaysayan ng hari ng Media at Persia.
3Si Mordecai ay pangalawa kay Haring Asuero. Tanyag siya sa mga kapwa niya Hudyo, at iginagalang nila dahil ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng mga kalahi niyang Hudyo, at siya ang tagapamagitan kapag mayroon silang kahilingan.