The chat will start when you send the first message.
1Isang araw, inaalagaan ni Moises ang kawan ng biyenan niyang si Jetro na pari ng Midian. Dinala niya ang kawang ito sa malayong bahagi ng ilang at nakarating siya sa Horeb, ang bundok ng Diyos.[#3:1 : O Sinai.]
2Nagpakita sa kanya roon ang anghel ng Panginoon sa anyo ng naglalagablab na apoy sa isang mababang punongkahoy. Nakita ni Moises na naglalagablab ang punongkahoy pero hindi naman nasusunog.
3Sinabi niya, “Nakapagtataka! Bakit kaya hindi iyon nasusunog? Malapitan nga at nang makita ko.”
4Nang makita ng Panginoon na papalapit si Moises upang tumingin, tinawag siya ng Diyos mula sa gitna ng mababang punongkahoy, “Moises, Moises!”
Sumagot si Moises, “Narito po ako.”
5Sinabi ng Diyos, “Huwag ka nang lumapit pa. Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil banal ang lugar na kinatatayuan mo.
6Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.” Nang marinig ito ni Moises, tinakpan niya ang kanyang mukha, dahil natatakot siyang tumingin sa Diyos.
7Pagkatapos, sinabi ng Panginoon , “Nakita ko ang paghihirap ng aking mga mamamayan sa Ehipto. Narinig ko ang paghingi nila ng tulong dahil sa sobrang pagmamalupit ng mga namamahala sa kanila, at naaawa ako sa kanila dahil sa kanilang mga pagdurusa.
8Kaya bumaba ako upang iligtas sila sa kamay ng mga Ehipsiyo, at upang dalhin sila sa mayaman, malawak at masaganang lupain na tinitirhan ngayon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.[#3:8 : Sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. Ganito rin sa talata 17|EXO 3:17.]
9Narinig ko ang paghingi ng tulong ng mga Israelita, at nakita ko kung paano sila inalipin ng mga Ehipsiyo.
10Kaya ipapadala kita sa Faraon upang palayain ang aking mga mamamayang Israelita sa Ehipto.”
11Ngunit sinabi ni Moises sa Diyos, “Sino po ba ako upang pumunta sa Faraon at ilabas ang mga Israelita mula sa Ehipto?”
12Sinabi ng Diyos, “Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”
13Sinabi ni Moises sa Diyos, “Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Diyos ng kanilang mga ninuno ang nagpadala sa akin upang iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?”
14Sumagot ang Diyos kay Moises, “Ako ay Ako . Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ako ay Ako ang nagpadala sa akin.’ ”[#3:14 : O Ako ang siyang umiiral nang dati pa.]
15Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang Panginoon , ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’[#3:15 : Sa Hebreo, , na maaaring nanggaling sa salitang (“I am”) na makikita sa talababa sa talata 14|EXO 3:14.]
Ito ang aking pangalang magpakailanman
na itatawag sa akin ng lahat ng mga salinlahi.
16“Ngayon humayo ka at tipunin ang mga pinuno ng Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Ang Panginoon , ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa akin, at nagsabi na: Binabantayan ko kayo, at nakita ko ang ginagawa ng mga Ehipsiyo sa inyo.
17Nangako ako na palalabasin ko kayo sa Ehipto kung saan naghihirap kayo, at dadalhin sa maganda at masaganang lupain: ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.’
18“Pakikinggan ka ng mga pinuno ng Israel. At pagkatapos, pumunta kayo ng mga pinuno ng Israel sa hari ng Ehipto, at sabihin sa kanya, ‘Nagpakita sa amin ang Panginoon , ang Diyos ng mga Hebreo. Kaya kung maaari, payagan nʼyo kaming umalis nang tatlong araw papunta sa disyerto upang maghandog sa Panginoon naming Diyos.’
19Ngunit alam kong hindi kayo papayagan ng hari ng Ehipto maliban na lang kung mapipilitan siya.
20Kaya parurusahan ko ang mga Ehipsiyo sa pamamagitan ng mga kababalaghang gagawin ko sa kanila. At pagkatapos noon, papayagan na niya kayong umalis.
21“Magiging mabuti sa inyo ang mga Ehipsiyo, at pababaunan pa nila kayo sa pag-alis ninyo.
22Ang mga babaeng lahi ni Israel ay manghihingi ng mga alahas na pilak at ginto at mga damit sa mga kapitbahay nilang Ehipsiyo at sa mga babaeng bisita nito. At ipapasuot ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga anak. Sa pamamagitan nito, masasamsam ninyo ang mga ari-arian ng mga Ehipsiyo.”