2Ang mga lalaking anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Mesec at Tiras.
3Ang mga anak ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat at Togarma.
4Ang mga anak naman ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim.[#10:4 : O Rodanim.]
5Ito ang mga lahi ni Jafet. Sila ang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga dalampasigan at mga isla. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lugar na sakop ng bansa nila, at may sarili silang wika.
6Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put at Canaan.[#10:6 : Sa Hebreo, Ehipto.]
7Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca.
Ang mga anak ni Raama ay sina Saba at Dedan.
13Si Mizraim ang ninuno ng mga Ludim, Anamim, Lehabim, at Naftuhim,
14pati ang mga Patrusim, Caslusim at Caftorim na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.
15Si Canaan ang ama ni Sidon, na kanyang panganay at pinagmulan ng mga Sidoneo. Si Canaan din ang ninuno ng mga Heteo,[#10:15 Si Het na kapatid ni Sidon ang kanilang ninuno.]
16Jebuseo, Amoreo, Gergeseo,
17Heveo, Araceo, Sineo,
18Arvadeo, Zemareo, at Hamateo.
22Ang mga lalaking anak ni Shem
ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram.
23Ang mga anak na lalaki ni Aram
ay sina Uz, Hul, Geter at Mas.
24Si Arfaxad ang ama ni Shela,
at si Shela ang ama ni Heber.
25May dalawang anak na lalaki si Heber.
Ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang daigdig ay nahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joctan.
26Si Joctan ang ama nina
Almodad, Selef, Hazarmavet, Jera,
27Hadoram, Uzal, Dicla,
28Obal, Abimael, Seba,
29Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ay mga lalaking anak ni Joctan.
30Ang lupaing tinitirhan nila ay mula sa Mesha at papunta sa Sefar, sa kaburulan sa silangan.