The chat will start when you send the first message.
1Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin,
ano kaya ang nangyari?
Sumagot kayo mga taga-Israel!
2Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin
noong sinalakay tayo ng ating mga kaaway,
3marahil ay pinatay na nila tayo,
dahil sa matinding galit nila sa atin;
4-5para siguro silang bahang tumangay sa atin
o malakas na agos na lumunod sa atin.
6Purihin ang Panginoon ,
dahil hindi niya pinayagang lapain tayo
ng ating mga kaaway.
7Nakatakas tayo,
katulad ng ibong nakawala
sa nasirang bitag.
8Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon ,
na lumikha ng langit at lupa.