Salmo 70

Salmo 70

(Salmo 40:13‑17)

1Panginoong Diyos,

iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.

2Mapahiya sana at malito

ang mga nagnanais na mamatay ako.

Magsitakas sana na hiyang-hiya

ang mga nagnanais na akoʼy mapahamak.

3Mapaatras sana sa kahihiyan ang mga kumukutya sa akin.

4Ngunit ang mga lumalapit sa inyo

ay magalak sana at magsaya.

Ang lahat ng naghahangad

ng inyong pagliligtas

ay lagi sanang magsabi,

“Dakila ka, o Diyos!”

5Ngunit ako, akoʼy dukha

at nangangailangan.

O Diyos, agad po ninyo akong lapitan!

Kayo ang tumutulong at nagliligtas sa akin.

Panginoon , agad nʼyo po akong tulungan.

Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™  Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.  Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.  Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.  ――――――― Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™  Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.  Used with permission. All rights reserved worldwide. 
Published by: Biblica, Inc.