The chat will start when you send the first message.
1O Pastol ng Israel, pakinggan nʼyo kami.
Kayo na nangunguna at pumapatnubay
sa angkan ni Jose
tulad ng isang nagpapastol ng mga tupa.
Kayo na nakaupo sa inyong trono
sa gitna ng mga kerubin,
ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan,
2sa lahi ni Efraim, ni Benjamin
at ni Manases.
Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan;
puntahan nʼyo kami upang iligtas.
3O Diyos, ibalik nʼyo kami
sa mabuting kalagayan.
Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan
upang kami ay maligtas.
4O Panginoong Diyos ng mga Hukbo,
hanggang kailan ang galit ninyo
sa mga panalangin ng inyong mga mamamayan?
5Pinuno nʼyo kami ng kalungkutan,
at halos mainom na namin
ang aming mga luha.
6Pinabayaan nʼyong awayin kami
ng mga kalapit naming bansa
at pinagtatawanan kami
ng aming mga kaaway.
7O Diyos na Makapangyarihan,
ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan.
Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan
upang kami ay maligtas.
8Katulad namin ay puno ng ubas,
na kinuha nʼyo sa Ehipto
at itinanim sa lupaing pinalayas
ang mga nakatira.
9Nilinis nʼyo ang lupaing ito
at ang puno ng ubas ay nag-ugat
at lumaganap sa buong lupain.
10Nalililiman ng mga sanga nito
ang mga bundok
at ang malalaking puno ng sedro.
11Umabot ang kanyang mga sanga
hanggang sa Dagat Mediteraneo
at hanggang sa Ilog ng Eufrates.
12Ngunit bakit nʼyo sinira, O Diyos,
ang bakod nito?
Kaya ninanakaw ng mga dumadaan
ang mga bunga nito.
13At kinain din ito ng mga baboy-ramo
at iba pang hayop sa gubat.
14O Diyos na Makapangyarihan,
bumalik na kayo sa amin.
Mula sa langit,
kami ay inyong pagmasdan.
Alalahanin ninyo
ang inyong mga mamamayan,
15na tulad ng puno ng ubas
na inyong itinanim
sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Alalahanin nʼyo kami
na inyong mga anak
na pinatatag nʼyo para sa inyong kapurihan.
16O Diyos, upang kaming mga puno ng ubas
na pinutol at sinunog.
Tiningnan nʼyo kami nang may galit, at nilipol.
17Ngunit ngayon, tulungan nʼyo kami
na inyong mga hinirang
na maging malapit sa inyo
at palakasin kami para sa inyong kapurihan,
18at hindi na kami tatalikod sa inyo.
Ibalik sa amin ang mabuting kalagayan,
at sasambahin namin kayo.
19O Panginoong Diyos ng mga Hukbo,
ibalik nʼyo sa amin ang mabuting kalagayan!
Ipakita sa amin ang inyong kabutihan
upang kami ay maligtas.