1Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
2Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon:[#Awit 104:33.]
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
3Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,[#Awit 118:8, 9; Is. 2:21.]
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
4Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;[#Awit 104:29; Ec. 12:9.]
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
5Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,[#Awit 144:15.]
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6Na gumawa ng langit at lupa,[#Gawa 14:15.]
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;[#Awit 103:6.]
Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;[#Mat. 9:30; Juan 9:7, 32.]
Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;[#Ex. 22:21, 22; Deut. 10:18.]
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10Maghahari ang Panginoon magpakailan man.[#Awit 10:16.]
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.