The chat will start when you send the first message.
1Oh Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan.[#Os. 12:6.]
2Magpahayag kayo na may pagsisisi , at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi.[#Awit 60:14; Gawa 13:15.]
3Hindi kami ililigtas ng Asiria; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.[#Os. 5:13.; #Is. 30:2, 16; 31:1.; #Awit 10:14.]
4Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya.[#Os. 11:1.]
5Ako'y magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano.[#Mik. 5:7.]
6Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano.
7Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano.[#Awit 91:1.]
8Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga.[#Juan 15:4, 5.]
9Sino ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.[#Awit 107:33.; #Kaw. 10:29.]