JOB 25

Ang ikatlong pagsasalita ni Bildad. Ang tao ay malaking kababaan sa Dios.

1Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,

2Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya;

Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako.

3May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo?[#Is. 40:26.]

At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag?

4Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios?[#Job 4:17-19.]

O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.

5Narito, pati ng buwan ay walang liwanag,

At ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:

6Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!

At ang anak ng tao, na isang uod!

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society