The chat will start when you send the first message.
1Ang marayang timbangan ay kasuklamsuklam sa Panginoon:[#Lev. 19:35, 36; Deut. 25:13, 15; Kaw. 16:11; 20:10, 23.]
Nguni't ang ganap na timbangan ay kaniyang kaluguran.
2Pagka dumarating ang kapalaluan ay dumarating nga ang kahihiyan:
Nguni't nasa mababa ang karunungan.
3Ang pagtatapat ng mga matuwid ay papatnubay sa kanila:
Nguni't ang mga kasuwailan ng mga taksil ay papatay sa kanila.
4Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot:[#Ezek. 7:19; Zef. 1:18.]
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
5Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad:
Nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan.
6Ang katuwiran ng mga matuwid ay magliligtas sa kanila:
Nguni't silang gumagawang may karayaan ay madadakip sa kanilang sariling kasamaan.
7Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak;
At ang pagasa ng masama ay nawawala.
8Ang matuwid ay naliligtas sa kabagabagan,[#Kaw. 21:18.]
At ang masama ay dumarating na kahalili niya.
9Pinapatay ng masama ng kaniyang bibig ang kaniyang kapuwa:
Nguni't sa kaalaman ay maliligtas ang matuwid.
10Pagka napapabuti ang mga matuwid ang bayan ay nagagalak:[#Kaw. 28:12, 28.]
At pagka ang masama ay namamatay, may hiyawan.
11Nabubunyi ang bayan sa pamamagitan ng pagpapala ng matuwid:[#Kaw. 29:8.]
Nguni't napapahamak sa pamamagitan ng bibig ng masama.
12Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan:
Nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik.
13Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim:[#Kaw. 20:19.]
Nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay.
14Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak:[#Kaw. 15:22; 24:6.]
Nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
15Siyang nananagot sa di kilala, ay mapapariwara:[#Kaw. 6:1.]
Nguni't siyang nagtatanim sa pananagot ay tiwasay.
16Ang mapagbiyayang babae ay nagiimpok ng karangalan:
At ang marahas na lalake ay pumipigil ng kayamanan.
17Ang maawaing tao ay gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa:[#Mat. 5:8.]
Nguni't ang taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.
18Ang masama ay nakikinabang ng mga marayang sahod:
Nguni't ang naghahasik ng katuwiran ay nagtatamo ng tiwasay na ganting pala.
19Siyang matatag sa katuwiran ay magtatamo ng buhay:
At siyang humahabol ng kasamaan ay sa kaniyang sariling ikamamatay.
20Silang suwail sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang gayong sakdal sa kanilang lakad ay kaniyang kaluguran.
21Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan:[#Jer. 25:29; 1 Ped. 4:18.]
Nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas.
22Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy,
Gayon ang magandang babae na walang bait.
23Ang nasa ng matuwid ay buti lamang:
Nguni't ang hintay ng masama ay poot.
24May nagsasabog, at tumutubo pa,[#Awit 112:9.]
At may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan.
25Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba:[#2 Cor. 9:6-10.]
At siyang dumidilig ay madidilig din.
26Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan:[#Amos 8:5, 6.]
Nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.
27Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap:
Nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak.
28Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal:[#Mar. 10:24.]
Nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon.
29Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin:[#Ec. 5:16.]
At ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso.
30Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay;
At siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa.
31Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa:[#Jer. 25:29; 1 Ped. 4:18.]
Gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!