The chat will start when you send the first message.
1Sa Panginoon ay nanganganlong ako:[#Awit 56:11.]
Ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa,
Tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
2Sapagka't, narito, binalantok ng masama ang busog,[#Awit 7:12; 64:4.]
Kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, Upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
3Kung ang mga patibayan ay masira,[#Awit 75:3; 82:5.]
Anong magagawa ng matuwid?
4Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo,[#Hab. 2:20.]
Ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit;
Ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
5Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;[#Gen. 22:1; Sant. 1:12.]
Nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
6Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo;[#Gen. 19:24.]
Apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.
7Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; minamahal niya ang katuwiran:[#Awit 45:7.]
Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.