The chat will start when you send the first message.
1Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,[#Mat. 22:44; Mar. 12:36; Luc. 20:42, 43; Gawa 2:34, 35; Heb. 1:13.]
Umupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion:[#Is. 11:1.; #Awit 68:35.]
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
3Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
4Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,[#Heb. 7:21.]
Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.
5Ang Panginoon sa iyong kanan ay[#Awit 16:8.]
Hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot.
6Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook ;
Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
7Siya'y iinom sa batis sa daan:[#Huk. 7:5, 6.]
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.