MGA AWIT 113

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.

1Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,

Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.

2Purihin ang pangalan ng Panginoon[#Awit 115:18.]

Mula sa panahong ito at magpakailan man.

3Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon[#Awit 50:1; Mal. 1:11.]

Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,

4Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa,[#Awit 99:2.]

At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit.

5Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,[#Awit 80:6.]

Na may kaniyang upuan sa itaas,

6Na nagpapakababang tumitingin[#Is. 57:15.]

Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?

7Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,[#1 Sam. 2:8.]

At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;

8Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,

Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.

9Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,[#1 Sam. 2:5; Is. 54:1.]

At maging masayang ina ng mga anak.

Purihin ninyo ang Panginoon.

Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982
Published by: Philippine Bible Society